bakit ganito sa earth, pagkatapos mong payamanin at paunlarin ang isang kumpanya, pagkatapos mong ilaan ang buhay mo at ang talino mo para paunlarin ito, bigla bigla ka na lang iiwan sa ere at babaliwalain na lang!
ganun ba talaga kakapal ang muka ng mga kapitalista! na kung tutuusin ung binabayad nilang pasahod sa kapatid at nanay ko, pati na din sa iba pang mga manggagawa ay kulang na kulang pa sa ginawa nilang contribution para paunlarin at payamanin ang kompanya.
hindi naman sa nagiging liberal ako aahh.. pero mas madali ko kasing masabi ung pinagdadaanang hirap ng mga manggagawa sa pilipinas kung maihahalintulad ko ang kalagayan namin ngayon na sigurado ako na halos kapareho lang din ng ibang mga pamilya dito sa bansa.
dun sa pinagtatrabahuan ng kapatid ko na isang kompanya na nag aalok ng mga branded na gamot bigla na lang silang nagbawas ng mga manggagawa dahil hindi na daw kaya ng kompanyang pasahurin sila sa taas ng kompetisyon at wala na daw ipapasahod sa mga manggagawa nito. samantalang na bigyan pa nga ng award ang kapatid ko dahil sa laki ng kota niya na naipasok sa kompanya umabot ng million ang sales na naipasok niya samantalang ang sahod niya naman ay hindi tumaas, bagkus ang ginawa pa sa kanila ay tinanggal sa pwesto, lugi na daw! napaka ironic ng mga sinasabi nila, million ang pinapasok na pera ng mga medical representative sa isang kompanya tapus sasabihin nila na nalulugi sila! kalokohan!.
halos ganun din ang kalagayan ng micro finance na pinag tatrabahuan ng nanay ko! 6 years na ang nanay ko sa micro finance pero 12 years na siya sa maliit na kompanyang iyon. palipat lipat lang siya ng posisyon. nakakasama lang ng loob kasi pagkatapos din nilang makitain ng malaki yung micro finance bigla na lang magsasabing nalulugi na sila, may kompanya bang nalulugi na nagagawa pang mag expand ng mga branches? ang tindi noh!. sa pagkakamali lang ng iilang tao sa kompanya nila lahat na nadamay.. empleyado lang naman ang nanay ko dun ee. hindi may ari ng kompanya kaya ang dapat sinisisi ung mga nasa mataas na posisyo ung mga board na tumatanggap lang ng monthly pay samantalang mga manggagawa ang nagpapagod para magkaroon ng kikitain ang kompanya!..
nakakainis talaga! lagi na lang dehado ang mga manggagawa, pagkatapos yumaman ng kompanya at gamitin ang lakas paggawa ng mga manggagawa, ganito na lang ang mangyayari sa kanila. aalisin sa kompanya! nakakalungkot ngang isipin na ang mga manggagawa ay hindi naman ninais o naghangad na ariin ang kompanya, gusto lang nilang ibigay ang nararapat sa kanilang pinaghirapan. sa case nga ng ate at nanay ko, hindi na nga omento sa sahod ang hinihingi nila magkaroon lamang ng trabaho pero pinagkait ito sa kanila ng kompanya!.
sagad sagaran na nga ang pang aalipusta nila sa mga manggagawa tapus trabaho lamang ang hinihingi ng mga manggagawa hindi pa nila maibigay!!.. bwiseet kayo! nakakainis talaga kayo!..
may araw din kayong mga kapitalista! tandaan nyo, antayin nyo ang pagbangon ng mga manggagawa at tiyak na kayo ay mabibigla!
Wednesday, January 13, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment