Thursday, August 26, 2010

:((

bakit ganun?.. pag ako na ung nagsasabi ng problema ko, hindi na nila makuhang maniwala, lagi na lang nilang iniisip na biro na naman ang sinasabe ko!!..

siguro, kakaiba nga lang talaga akong magdala ng problema.. na sa kabila ng bawat ngiti, nag tatago ang mga luha.... nahihirapan ako.. gusto kong umiyak.. gusto kong sumigaw.. gustong gusto kong mag wala!!.. pero mahirap pala...

mahirap palang dalhin mag isa ang problema!!..
dito sa bahay.. alam ko na nahihirapan na din ang nanay ko!..
alam kong hindi nya na din nagugustuhan ang sitwasyon namin ngayon!
pero, pinipilit nyang baliwalain ang lahat!! dahil ayaw nya kaming ma moblema..
alam ko na hindi naman siya gaya ni darna, wonder woman at kung sino pang super hero..
na kayang dalhin mag isa ang problema..

kahiot hindi naman magsalita ang nanay ko.. ramdam ko, at nakikita ko sa kanyang mga mata na nahihirapan na din siya... ayaw nya lang mag salita at pilit na kinakaya!

kaya sinabe ko na lang sa sarili ko!!
hindi ko papakita dito sa bahay na mahina ako!
hindi ko papakitang apektado ako...
papakita ko sa kanilang kaya ko!
dahil alam ko naman na sa bawat isa sa amin, dun kami humuhugot ng lakas..
kung sino unang magpakita ng kahinaan.. talo ka!..

kaso, sa bawat paghiga ko sa gabi...
ang hirap palang pumikit.. ang hirap palang matulog, kahit nakapikit kasi ako parang malinaw na malinaw ko paring nakikita kung anu ung ginagawa sa amin ng mismong kapatid ng nanay ko!

iba pala ang pakiramdam na natutulog ka lang para mapahinga ang katawan hindi ang isipan..

No comments:

Post a Comment