grabe. habang lumilipas ang bawat araw lalo akong kinakabahan, lalo akong natatakot kung anu na ang mangyayari sa amin. ang nanay ko hanggang january 31 na lang sa work nalulugi na kasi ung pinagtatrabahuan niyang micro finance ee. tapus dumagdag pa sa problema namin dito sa bahay dahil ang ate ko din ay mawawalan na ng work baka sumabay na din sa nanay ko hanggang katapusan ng january, nagbabawas na daw kasi ng empleyado ang pharmalink ee..
haaayyy.. anu ba naman ang nangyari samin ngayon. iba na tuloy ang pakiramdam namin dito sa bahay, parang ang hirap mag pretend na masaya at walang problema kahit alam namin sa sarili namin ilang panahon na lang ang nalalabi samin at mawawalan na kami ng kabuhayan. buti sana kung may sarili na kaming bahay para kahit mawalan ng trabaho ang nanay at kapatid ko wala kaming pinoproblemang upa ng bahay, ee kaso wala naman kaming sariling bahay. hanggang last week na lang kami ng march dito sa bahay ee. tapus aalis na kami. hindi nga namin alam kung saan na kami pupulutin pagkaalis dito ee.. ang last option na lang namin ay makitira sa lola ko sa navotas ang problema nga lang kung saan naman kami makikisiksik dun. wala naman kaming paglalagyan ng aming mga gamit dun dahil kahit papaano nakapag pundar na kami ng mga gamit sa bahay, maliit lang naman ang lugar dun kaya siguradong hindi kami magkakasya.
kahit sinasabi ng nanay ko na wag akong mamoblema sa pag aaral ko, hindi ko parin maiwasang matakot ee.. saan naman kami kukuha ng pang gastos namin sa araw araw.. iniisip ko na ngang mag trabaho ee, kso sabi ng nanay ko baka hindi daw kayanin ng katawan ko na pagsabayin ang pag aaral at pagtatrabaho ee. grabe.. ngayon ko na nararamdaman ang matinding recession sa ating bansa. hindi naman mangyayari to samin kung may trabaho atleast ang nanay ko dahil nakakasurvive kami sa pang araw araw na gastusin ee..haaaayyy.. ang hirap naman. hindi ko alam kung paano ako makakatulong sa nanay ko. ngayon pa nga lang pinoproblema na nya ang pambayad sa kuryente, tubig, internet, credit cards at plan ng cellphone, biglaan ang lahat kaya hindi napaghandaan. wala pa naman kaming ipon at wala kaming ibang kabuhayan..
tapus dumadagdag pa sa iniisip ko ung inaalok sakin na pagtakbo bilang president ng student council, inaasahan daw nila ako. ayoko naman ng ganun dahil lalo lang akong na pepresure ee..
pero ngayon nakapag isip na ako, para hindi na ako gumastos ng pagpunta punta sa school kapag walang pasok napag isipan ko ng mabuti na hindi tanggapin ang offer na tumakbo bilang president ng student coucil. ayoko muna ng commitment sa mga oras na ito, ayoko munang mag isip ng marami, pinoproblema ko na nga kung anung mangyayari samin bukas o sa mga susunod na araw kasabay nito ang mga problema sa academics kaya ayoko munang sabayan ng organization at ng student council. hindi naman ako aalis ee.. gusto ko munang makapag isip isip. ayoko naman kasing sumabay sa pinoproblema ng mga magulang ko ee..
naghahanap nga ako ng summer job ngayon ee.. lalo na at election ngayon.. naghahanap ako ng work ayoko ng volunteer! gusto ko ung kumikita ako para naman kahit pang tuition ko at panggastos sa pasukan hindi ko na hingin sa nanay ko.. kahit papaano siguro makakatulong na ako. alam kong hindi sapat un pero kahit papaano hindi na siya mag iintindi dun..
ayoko naman kasing mag stop ee.. pero nararamdaman ko na baka sa june na pasukan mag stop nga muna ako.. wala naman kasing kukuhanan ng panggastos ko ee.. haaayyy!!.. ang hirap ng ganito. bakit hindi muna ako pinatapos bago kami nagkaroon ng ganitong problema..
umaasa naman ako na malalagpasan namin ang bawat pagsubok na ito, kahit hindi ako nagsisimba at nagdarasal.. pls.. god.. kung naririnig mo ako ngayon sana tulungan nyo po kami.. maka survive sana kami sa problema namin ngayon. tulungan nyo din po ang nanay ko na maging malakas at maging matatag sa mga oras na ito.. salamat bro...

ikaw talaga jude. hehe.
ReplyDeletehindi ko to alam a. hm. hm.
aja! hehe. pag-usapan naten yan.
haha.. d ko lang yan sinasabe sa inyo.. harr!!..
ReplyDelete